Una sa Balita

Mini fashion show alay kay Eddie Baddeo

0 151

Bago ihatid sa huling hantungan ang sikat na fashion designer na si Eddie Baddeo nitong Agosto 20 ay isang mini fashion show ang isinagawa para muling irampa ang kanyang mga naging disenyo.

Nabatid na nitong Agosto 17, 2019 ay pumanaw sa edad na 57 ang fashion designer.

Bago binawian ng buhay ay dinala ito sa Lung Center noong Agosto 5 dahil sa labis na hirap ng paghinga.

Kinilala at nagtagumpay si Baddeo sa fashion industry na umabot ng tatlong dekada.

Sumikat si Baddeo noong ‘80s hanggang ‘90s dahil sa mga kakaibang disenyo nito na gamit ay odd materials gaya ng CD at venetian blinds.

Naging whistleblower din si Baddeo sa pork barrel scam noong 2013 pero humarap din sa kasong libel na inireklamo ng tinaguriang pork barrel queen na si Janet Napoles. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy