Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mini Boracay na ang Manila Bay

0 185

Good day mga ka-Abante!

Puro good news ngayon ang nangyayari nitong mga nakaraang araw. Lalo na ang pinag-uusapan ang Manila Bay na naging parang mini Boracay ang dating.

Kaliwa’t kanan ang bumabatikos dito sa Manila Bay Sands dahil sa environment impact nito at may kamahalan ang gastos habang ang buong mundo ay nasa pandemic.

Bilang isang batang Rizal Memorial, ako ay naniniwala na, kahit anong hirap ang sitwasyon ng tao, lipunan o bagay, hindi dapat tayo huminto sa pagpapaganda o pagpapaayos ng lugar.

Walang pinagkaiba ito sa mga nagpapaayos, retoke o enhance sa mga cosmetic clinic para lang mag-improve ang self esteem at confidence ng tao.

Kahit magastos, basta gumanda lang mga ka-Abante.

Paboritong takbuhan ng mga atleta tulad ng mga national Athlete, boxer, UAAP, NCAA, PBA player at iba pa ang Roxas Boulevard.

May kasabihan nung araw na kapag hindi ka nakatakbo sa Roxas Boulevard magmula sa Cultural Center hanggang Hyatt Hotel at ang panghuli eh iikot ka sa harap ng CCP ng mga 10 ikot bago gawin ang mga abdominal workout eh hindi ka nakatikim ng matinding training o pagsubok bilang isang manlalaro.

Sa tinagal ng panahon dumami ang basura at kalat sa Manila Bay. Ito ay minsan pinangalanang na nga na “biggest septic tank of Manila”.

Sa bagong development ng Manila Bay, dinagsa ng mga tao ang lugar dahil sa ganda ng buhangin na galing Cebu. Sana naman mga ka-Abante eh matuwa tayo dahil hindi biro ang dinaanang batikos at puna sa lugar.

Napakahusay ang nakapag-isip na lagyan ng dolomitae sand o white sand ang Roxas Boulevard sa totoo lang. Ang daming natuwa dahil pumuti ang lugar, nabawasan ang mga basura, dumami ulit ang mga isda, ang daming nagpapa-selfie dahil sa kakaibang anyo ng lugar.

Iba talaga ang bitamina na nakukuha ng tao sa dagat, kaya ito paboritong takbuhan ng mga atleta, manipis ang hangin, maganda sa baga, maganda ang tanawin lalo na paglubog ng araw at mahaba ang lugar.

Sana habaan pa ang white sand hanggang sa Parañaque o Cavite. Marami pa rin sa ating mga kababayan ay gusto ng malinis na lugar at may mapapasyalan tuwing Linggo.

Malapit na rin ang judgement day ng PBA kung papayagan ba silang makapaglaro na ulit sa Angeles City, Pampanga.

Magsisimula na rin ang bagong WNBL league ni Miss Rhose Montreal, ang Women’s Professional Basketball, Congrats to NBL!

Tuloy pa rin mga ka-Abante ang pag-iingat sa COVID-19, stay apart, wash hands frequently at maintain cleanliness.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.