Una sa Balita

Minero patay sa Cotabato

By
0 1

Wala nang buhay ang isang minero nang abutan ng rescue team matapos na mawalan ng oxygen sa loob ng isang minahan sa Sitio Tunnel, Barangay Kematu, Tboli, South Cotabato.

Kinilala ang nasawi na si Jomar Mariano Kuyan, 31, residente ng Sitio Lamla, Barangay Kematu sa nabanggit na bayan.

Masuwerte naman na nakaligtas ang tatlo pang mga kasamahan nito na sina Martin Kuyan,48; Jim Tnem, 33, at Josie Kuyan, 26, na pawang mga residente ng nasabing lugar.

Abante Hiring – IT dep

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, pumasok sa tunnel ang apat na minero ngunit nakaranas ng hirap sa paghinga dahil sa mga pumapasok na gas sa minahan.

Agad na lumabas sa minahan ang tatlo pero naiwan sa loob si Kuyan na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Sa pagresponde ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council kasama ang Tboli Police, naabutan na lamang si Kuyan na patay na habang nabigyan naman ng paunang lunas ang tatlong biktima na nakaligtas.