Una sa Balita

Mindoro magkabuntot na niyugyog

By
0 1,344

DALAWANG magkasunod na pagyanig ang naranasan sa Palauan sa Occidental Mindoro, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismo­logy o Phivolcs.

Sa record ng ahensiya, ang unang pagyanig ay naitala alas-12:22 ng madaling-araw. Mayroon itong 3.5 magnitude na may lalim na 4 kilometers at may tectonic origin.

Ang sumunod na lindol ay alas-3:10 naman ng madaling-araw na may magnitude 3.2.

Wala namang naitalang pinsala sa magkasunod na lindol at wala ring inaasahang mga aftershock.