Una sa Balita

Mindanao Martial Law extension tablado kay Lorenzana

0 359

KUNG si Department of ­National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ang tatanungin, ­hindi na umano kailangang ipatupad ang Martial Law extension sa Mindanao dahil mahaba na ang panahong ipinatupad ito.

Sa ngayon ay hinihintay pa ni Lorenzana ang rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) bago matapos ang Martial Law ­extension sa Disyembre 31, 2019.

“We are waiting for the recommendation of the armed forces at saka yung PNP, depende sa kanilang recommendation but kung ako lang I will not recommend ­anymore the extension ­dahil ­matagal nang masyado e, para we can do our job naman,” pahayag ni Lorenzana sa panayam kahapon sa Camp Aguinaldo.

Ayon pa kay Lorenzana, mas kailangang maipasa ang Human Security Act sa Kongreso upang mabigyan ng kaunting ngipin ang law enforcement, subalit kung mairekomenda ang Martial Law extension ay kailangan ding ­tignan at ma-evaluate ang rason ng military at pulisya kung bakit ito kailangan.

Samantala bukod sa ikinalat na pulisya para sa seguridad ng dara­ting na SEA Games ay magdadag­dag pa ang AFP ng mga sundalo sa loob at labas ng mga venue na paglalaruan ng malaking ­sporting event sa bansa na ­gaganapin sa katapusan ng Nobyembre hanggang ikalawang linggo ng Disyembre.

Sa ngayon ay wala pa naman ­silang nakukuhang ­impormasyon na mayroong terror threat sa palaro subalit kinakailangan din umano ng paghahanda at mahigpit na ­seguridad. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy