Una sa Balita

Mindanao goodbye na sa Martial Law

0 381

NAGTAGUMPAY ang pamahalaan sa pagtatamo ng kapayapaan sa rehiyon ng Mindanao sa ilalim ng pag-iral ng Martial Law.

Ito ang pagmamalaki ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kasunod ng pagpaso ng halos tatlong taong Martial Law sa Mindanao kahapon ng hatinggabi.

Kasunod nito, pinapurihan ni Lorenzana ang Armed Forces of the Philippines (AFP) gayundin ang Philippine National Police (PNP) dahil sa mahusay na pagpapatupad ng Batas Militar at sa pagpapalawig nito
Pinawi rin ng kalihim ang pangamba ng mga mismong taga-Mindanao na nananawagang ituloy ang Martial Law sabay pagtitiyak na pangangalagaan ng AFP ang pinaghirapang kapayapaan at katatagan sa rehiyon

Binigyang diin pa ni Lorenzana na mananatili ang bilang ng kanilang mga tropang militar sa Mindanao at patuloy na makikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan upang ganap na maipagpatuloy ang kanilang nasimulang katahimikan. (Edwin Balasa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More