Una sa Balita

Mindanao bantay-sarado kontra ASF

0 320

Matapos makara­ting sa Mindanao ang ASF, pinababantayan na ngayon ng Department of Agriculture ang mga entry points dito.

Pinautos ni Agriculture Secretary William Dar ang ­pagpapatupad ng veterinary qua­ran­tine measures para ­ma-awat ang pagkalat ng African Swine Fever sa Mindanao matapos makarating na ang sakit sa Davao City.

Unang sinalanta ng ASF ang mga babuyan sa Luzon noong 2019 na hindi pa rin ­naapula kaya umabot na ito sa Kalinga, Benguet, at ­Isabela.

Sa pinirmahang Memorandum ­Circular 02 series of 2020 ni Dar, inutos niya ang pagpapalagay ng disinfection facilities tulad ng foot baths/mats at ­disinfection equipment sa mga entry points ng ­Mindanao tulad ng mga daungan at airport kahit na tatlong linggo nang nakapasok ang ASF sa lugar.

Iniuutos din ni Dar na inspeksyunin ­lahat ng mga barko na ­dadaong sa Mindanao na may mga ­produktong karne mula sa mga ­bansang may ASF na.

Iniuutos din sa Memo­randum ­Circular 02 series of 2020 na ­kukumpiskahin at ­sisirain lahat ng pork products na galing sa mga bansang may ASF.

Sabi ni Dar kaha­pon, nasa 230,000 na ang pinapatay na mga baboy sa bansa dahil sa ASF.

Dagdag pa ni Dar, sineguro na ng mga ­private commercial farms na mayroong ­sapat na suplay ng baboy at pork products sa ­bansa ngayong taon ­kahit pa iminungkahi na niya ang pag-aalaga ng mga kuneho bilang a­lternatibo sa baboy. (Eileen Mencias)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More