Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Minaliit si Pinoy Pride: Arnel Pineda tinalakan ang troll

0 144

Handang ibigay ng Pinoy Pride singer na si Arnel Pineda ang pagiging lead vocalist ng bandang Journey, sa isang foreigner na minaliit ang kanyang kakayahan.

Kinumpara kasi ni @si_mazza si Arnel sa dalawa pang American singer sa kanyang tweet.

“Nightly singalong this time it’s Faithfully by @JourneyOfficial. @arnelpineda is awesome but didn’t think anyone could get close to the ‘spinetingle’ of @StevePerryMusic on this until I heard @DeenTheDrummer sing it while also playing the drums!”

Sa reply tweet ni Arnel, sinabi niya na nasaling ang kanyang ego, kaya hinamon niya ang netizen.

“If you can survive singing 16 #JourneySongs for 65 shows then I’ll give my job to you brother,” sabi ni Arnel.

Inulan ng support si Arnel, at pinaliwanag niyang kailangan ding almahan ang mga troll.

“Agree…but then again, sometimes these trolls need some gentle smacking, so they’d wake up a little & realize to think first before saying something.”

Nilinaw ni Arnel sa sumunod nyang tweet na kahit kailan ay hindi nya kayang lagpasan o talbugan ang naging kontribusyon ng dalawang original member sa kanilang banda.

“& for the last time, i can never outdo what @StevePerryMusic & @DeenTheDrummer has contributed to @JourneyOfficial..all i could do, apprciated or not, is to work even harder everyday…peace to all.” (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.