Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Minahan ng ginto kinandado sa CamSur

0 72

Ipinasara ng pinagsanib na puwersa ng mga sundalo at pulis ang isang iligal na minahan ng ginto sa Lagonoy, Camarines Sur.

Sinabi ng Joint Task Force Bicolandia na may 200 mining shaft, 10 water pump at generator set ang nakumpiska mula sa small-scale mining site sa Sitio Pagsimbugan sa Barangay Mapid.

Nalaman nila ito kasunod ng pagkakasumbong ng concerned citizen dahil nago-operate umano ito nang walang permit.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi naman ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) na bukod sa walang mining license, ang operator ng minahan ay lumabag din sa Section 103 ng Philippine Mining Act of 1995, lalo na ang mineral theft.

Kumuha na ang MGB ng sample sa lugar para alamin kung may ginto rito. Hinala naman ng mga awtoridad, ang mga komunista ang nasa likod ng iligal na minahan. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.