Una sa Balita

Minahan nasunog: 12 patay

By
0 135

Aabot sa 12-katao ang nasawi sa naganap na sunog sa isang mina­han ng limestone sa China.

Sa ulat ng Xinhua news agency, naganap ang insidente sa Zhangye City sa probinsya ng Gansu sa northwest China.

Kabilang sa nasawi ang siyam na mangga­gawa sa minahan at tatlong miyembro ng rescue team.

Ayon sa mga rumes­pondeng bumbero, ang siyam sa mga minero ay na-trap nang maganap ang sunog.

Sinasabing nailabas ng mga rescuer ang mga biktima subalit pa­wang wala nang buhay ang mga ito mula sa nasunog na minahan.

Nasawi rin ang tatlong miyembro ng rescue team, matapos makaranas ng hirap sa pag­hinga bunsod ng napaka kapal na usok.

Ang minahan ay pag-aari ng Jiuquan Iron and Steel Group (JISCO).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More