Una sa Balita

Mimiyuuuh tinalakan ang tamad na fan

0 480

‘Skrrrrt!’ ang ekspresyong pinasikat ng vlogger/influencer na si Mimiyuuuh.

Bongga na talaga siya ngayon dahil bukod sa marami na siyang natatanggap na advertisement, cover girl na siya ngayon ng isang sikat na magazine which is lalong bumongga dahil kasabay ito ng kanyang birthday!

“What you see is what you get,” paglalarawan pa sa kanya sa naturang magazine, which is true, ‘yong kanyang kabaliwan ay ang kabaliwan na sumasalamin sa maraming Pilipino kaya naman marami talaga ang nakaka-relate sa naturang vlogger.

Masayang-masaya rin ang mga fan sa mga milestone ng kanilang favorite influencer, inspirasyon nga raw nila si Mimiyuuuh sa kanilang mga aspiration.

Mas hinangaan pa ito nang may prinanka siyang fan sa Twitter dahil ayon dito, mas pinili nitong manuod ng vlogs ni Mimiyuuuh kaysa mag-review dahilan para hindi alam kung ano’ng tamang sagot sa exam.

“NOPE! Hindi ka lang nag-review kaya hindi mo alam isasagot. Know your priorities guys!!!! Stop using me as an excuse sa katamaran niyong mag-review. IT AINT CUTE!” sagot naman ni Mimi.

Pinalakpakan si Mimi ng maraming netizen dahil sa naging sagot niyang ‘yon at lalong hinangaan sa pagiging magandang halimbawa sa mga mag-aaral. Labis na kinatuwa ng mga ito ang sagot niya na ‘yon dahil hindi niya kinonsinte ang pagpapabaya sa pag-aaral. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy