Una sa Balita

Mimi Lacson malaki ang potensiyal sa showbiz

0 848

Hindi na kataka-taka kung darating ang araw ay susundan din ng kanyang anak na si Mimi ang yapak nito sa showbiz. Si Mimi ay anak ni Iwa kay Pampi Lacson, na anak ni Sen. Panfilo Lacson.

Sa Instagram post ni Iwa, ipinakita niya ang pagkabibo ng anak sa ilang mga photo shot nito, na ang suot ay black one piece swimsuit.

Cute na cute ang bata sa mga posing nito na parang isang modelo na game sa harap ng kamera.

Nagpasiklab ang bata sa kanyang mga pose na tila tinalbugan pa nito ang ina sa pagi­ging game sa harap ng kamera.

Sabi nga ng mga fan at supporter ni Iwa, magiging star ang anak nito sa itsura at pagiging bibo nito. Lagi namang sinasabi ni Iwa na hindi niya pipigilan ang anak kung pag-aartista ang nais nito, pero gusto niyang makatapos muna ito ng paga-aral. (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More