Una sa Balita

Milyun-milyong residente sa Florida inilikas sa Hurricane Irma

By ,
0 13

HAVANA — Umaabot sa 5.6 milyon residente sa Florida ang inatasang lumikas mula sa kanilang tirahan patungo sa mga ligtas na lugar upang hindi maipit sa panganib na maAaring idulot ng itinutu­ring nilang ‘monster’ Hurricane Irma sa estado ng Florida sa Estados Unidos.

Ito ‘y kung mag-landfall na ang mata ng bagyo sa kalupaan na inaasahan sa darating na Linggo matapos itong manalasa sa Cuba, na nag-iwan ng 21 patay, at nasa direksyon na ito patungong Carribean na may dalang malakas na hangin.

Ang bagyong Irma, ay isa sa pinakamalakas na Atlantic storms sa loob ng century.

Ang bagyo ay inaasahang lalakas pa at tatama sa Florida Keys sa Category 5 hurricane, ang pinakamalakas na designation ng National Hurricane Center na may sustained wind na 258 km/hr.

Kaugnay nito, ang mga Filipino na naninirahan sa Florida ay naghahanda para sa inaasahang pagda­ting ng Hurricane Irma.

Samantala, sinabi ng Malacañang na puspusan na ang pagkilos ng gobyerno para siguruhin ang kaligtasan ng mga kababayang apektado ng Hurricane Irma sa Florida, USA.