Una sa Balita

Milyon-milyong baboy sa China todas sa ASF

0 350

BUMULUSOK sa 16-year low ang produksyon ng baboy sa China noong 2019.

Milyon-milyon na ang namatay na baboy sa world’s top producer dahil sa African Swine Fever (ASF), ayon sa online news.

Ang ASF ay incurable virus na kadalasang pumapatay sa mga baboy na tinatamaan nito pero hindi nakakaapekto sa mga tao. Bunsod nito, tumaas ang halaga ng baboy sa China dahil sa kakulangan sa supply na siya namang nagpataas sa kanilang inflation.

Unang naitala sa China ang ASF noong 2018 at kumalat sa kanilang mga bukirin. (Issa Santiago)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More