Una sa Balita

Milo FC Barcelona PHL team buo na

By
0 17

Kumpleto na ang Milo FC Barcelona (FCB) Philippin­e team mula sa pool ng 150 mga kabataan mula sa iba’t ibang sulok ng bansa na sumali sa Road to Barcelona Trainin­g Camp noong nakaraang buwan.

Ang team ng 13 kabataan ay piniga at sinala ng expert panel ng executive­s at coaches mula Milo Philippines, Philippine Football Federatio­n at FCB Escola Youth Academy.

Magsasanay, mag-aaral at maglalaro tulad ng players ng Barca ang PHL team sa global camp sa Camp Nou (home stadium ng FC Barcelona) sa Oct. 15-23.

Bubuo sa team sina Lien Dale Manuel (Vicente Lim Elementary School), Lara Angela Amante (Isabelo de los Reyes Elementary School), Liam Arc Villaran (Don Bosco College-Canlubang), Kevin H. Hadap (Diosdado P. Macapagal Elementary School), Heaven Andrei Teodosio (Ilaya Barangka Integrated School), Lorenzo Miguel Castillo Plaza (Xavier School), Alexis Caitlin Tan (Keys School Manila), Joseph Kyne Garces (Don Bosco Technical College-Cebu), Marcus Lucas Arias (Don Bosco College-Canlubang), Lorenz Albert Tortona (Xavier School), Enzo Gacutan Courbet (Brent International School), Boris Malcolm Uy (Keys School Manila), at Ethan Jacob Roxas (Paref Springdale-Cebu).

Sasailalim ang team sa classroom trainings, museum visits, football clinic, city tour at match-viewing sa Camp Nou. May special training sessions din sila kay FC Barcelona legend Eric Abidal. ()