Una sa Balita

Millsap pakitang-gilas sa ‘debut’

By
0 4

Nagtaas-baso si Elijah­ Millsap ng 25 points at 11 rebounds sa debut sa se­cond tour of duty para hulmahin ang 107-101 pag­lasing ng San Miguel sa Blackwater sa no bearing game kagabi sa pampalabok na sultada ng PBA Governors’ Cup eliminations sa Alonte­ Sports Arena sa ­Biñan City.

May unfinished business sa paghatid sa Petron Blaze (SMB na nga­yon) sa finals kung saan tumiklop sa San Mig ­Coffee (Star na sa kasalukuyan) sa 2013 Govs Cup, nagsi-backup kay Millsap sina Arwind Santos ng 19, June Mar Fajardo ng 18, at mga off the bench na sina Alex Cabagnot ng 17 at Ronald Tubid ng 15.

Pinalitan ng pangatlong reinforcement ng serbesa si interim import Mike Singaletary, na rumelyebo kay injured AZ Reid sa larong tuneup na lang ng San Mig dahil pasok na sa quarterfinals na may twice-to-beat bonus pa na para sa top four finishers.

“Unusual rotation of my men. I want to give some time sa players on the bench. (David) Semerad after some time nakalaro sya after so many games na ‘di ko sya nabibigyan ng oras and he played well from the minutes na nakuha nya,” wika ni Beermen coach Leo Austria. “I told them let’s play with pride. ­Everytime they’re inside let us give some effort.”

Kontrolado ng Beermen ang game sa nilamang na 32-19 sa opening stanza, 48-31 sa second period, bago nakaporma ang BW upang ma­hablot ang trangko sa 69-67 sa 2:44 ng third mula sa basket ni Art dela Cruz bago sinara ng winning squad ang yugto sa balik-manibelang 91-79 at ‘di na lumingon pa.

Naligo lahat ng 10 points above ang starters ni Elite coach Leo Austria, pero hindi sapat upang malagay sa dead-last finish sa pa­ngatlo sa anim na conferences ang kanyang kampo sa dalawang season sa pro-league.

May 23 pts. at 11 rebs. si Dela Cruz, naka-18-puntos si Keala King, 13 si Nard John Pinto, 11 si Carlo Lastimosa at 10 si Kyle Pascual. May 12 pa si Denok Miranda off the bench.