Una sa Balita

Mills, Australia pinutol ang 78-win streak ng US

0 320

May mensaheng dineli­ber ang Australia sa buong mundo: Kakayaning talunin ang Team USA sa China.

Isang linggo bago ang 18th FIBA World Cup 2019, sa unang pagkakataon sa naka­lipas na lampas isang dekada ay natalo sa international game ang US team na binubuo ng NBA players.

Umiskor si Patty Mills ng 30, nag-rally ang Boomers mula 10-point deficit sa second­ half para hiyain ang Americans, 98-94. Naputol ang 78-game winning streak ng US na nagsimula sa bronze-medal game ng 2006 world championships.

“They wanted it more than us tonight,” ani US guard Kemba Walker. “Lesson learned for us.”

Huling talo ng Ame­ricans kontra Greece sa 2006 world championship semis. Inuwi nila ang bronze. Tapos ay unbeaten na sa 2007 FIBA Americas, 2008 Olympics, 2010 World Cup, 2012 Olympics, 2014 World Cup at 2016 Olympics.
Tinalo din ng kasalu­kuyang team ni coach Gregg Popovich ang Spain at Australia tungo sa 78-game winning streak total.

‘Di pa tinatalo ng Australians ang Americans, at 30-0 all-time ang US national team sa Australians.

Nagsumite si Walker ng 22 points sa US, may 20 si Harrison Barnes. Sa 3 ni Donovan Mitchell­ 1:05 pa ay dumikit ang US 97-94. Nakapuwersa sila ng stop sa sumunod na possession at nagkaroon ng dalawang tsansa para tumabla, pero sablay ang magkasunod na 3 nina Mitchell at Joe Harris. Sinelyuhan ng free throw ni Mills ang panalo.

Sa build up bago ang World Cup ay nagparamdam na ang Serbia na contenders sa gold, si NBA MVP Gia­nnis Antetokounmpo ang mamumuno sa Greece. May tsansa din sa medalya ang France. Ngayon, plakado ng Aussies na kaya nilang talunin ang Americans.

Saan kaya pupulutin ang Team USA pagdating­ ng Sept. 15? (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy