Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Millery Gen wagi sa kiddies chess

0 171

MULING namayani si Philippine chess wizard Millery Gen Subia ng Cabanatuan City matapos magkampeon sa Freddie (Idol) Payong-Ayong and Coach Lito Matias Memorial Chess Tournament sa kids category na ginanap sa SM Cabanatuan City nitong Linggo.

Tumapos ng perfect 5 points sa five outings sa rapid event ang 9-year-old grade 3 pupil ng Cabanatuan East Central School-SPED G section.

Inorganisa nina Benjamin Bauto, Bernie Sadey, Richard Ocampo, Elpidio Bactol Jr., Anthony Kim Cabacungan, Alfredo Sarmiento Jr., Dave Dysango, Juanito Guerrero at Romeo Togonon (C5 and Bertese Chess Club) ang nasabing event.

Mga biniktima ni Subia sina Ma. Rolynda Sansait , Winter Corpuz , Louise Christel Mangahas, Remigo Buenaventura at Katriel Zaira Guerrero.

Nakilala si Subia sa chess world nang magkampeon sa 2021 International Online Chess Challenge Match (8-Under) sa Kids Unlimited sa Melbourne, Australia noong Hulyo 2021.

Siya din ang nagkampeon sa 2022 National Youth & Schools Chess Championship (9-Under) nitong Pebrero 2022. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.