Una sa Balita

Millennials hinikayat na gayahin si Rizal

By
0 2,749

Nanawagan ang Liberal Party (LP) sa mga millennial na tularan si Dr. Jose Rizal na makipagtulungan upang mapabuti ang bansa.

Sa kanilang paha­yag kasabay ng paggunita sa Rizal Day kahapon, iginiit ng partido na dapat ding manguna ang mga millennial sa programa laban sa kahirapan at pangamba gayundin ang pagsusulong ng kapayapaan at pagkakaisa.

“Jose Rizal was a ‘millennial’ of his time. Even up to the time he was executed at 35 for expressing the idea that everyone has inherent, inalienable rights, Rizal inspired Filipinos to believe that they were capable of ruling themselves,” saad ng partido.

Samantala, ­iginiit ni Senador Joel ­Villanueva na dapat lagi pa ring isipin ng lahat ang sakripisyong ginawa ni Rizal para sa bayan.

“Let us further take this opportunity not only to pay tri­bute to Rizal’s heroic and selfless deeds, but also to strive to emulate his sense of duty and burning passion to bring progressive and nationalistic reforms for the love of our Motherland,” saad ni Villanueva.