Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Military chopper bumagsak sa Basilan: 4 patay

0 54

Bumagsak ang isang military chopper sa Basilan, sa gitna ng masamang panahon, na kinamatay ng apat na pasahero nito, kahapon.

Sa inisyal na ulat na nakarating sa Armed Forces of the Philippines (AFP), ang Philippine Air Force 505 Search and Rescue, na may tail number 202, ay bumagsak sa Brgy. Upper Manggas sa Lantawan town, dakong ala-una ng hapon.

Sinabi naman Maluso Mayor Hanie Bud na bumagsak ang helicopter sa boundary ng Lantawan at Maluso.

Patuloy ang retrieval operations habang sinusulat ito.

Target na makuha sa lalong madaling panahon ang labi ng mga namatay na hindi pa pinangalanan ng mga awtoridad.

Kinumpirma rin ito ng Western Mindanao Command. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.