Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Militar vs komunista tuloy sagupaan kahit pasko

0 429

Kontra ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa tigil putukan sa pagitan ng mga rebelde sa Pasko.

Saad ni AFP Spokesman Major General Edgard Arevalo, napagkasunduan na hindi irekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ceasefire lalo sa Communist Party of the Philippines at New People’s Army.

Dagdag ni Arevalo, kung pagbabasehan ang mga nakaraang Pasko, ginagamit ng nga rebelde ang pagkakataon na magpalakas o ‘di kaya’y maghahasik pa rin ng gulo.

Sinabi pa ni AFP na si National Democratic Front negotiator Luis Jalandoni ay naghayag na ang peace talk ay ginagawa para maipagpatuloy ang bakbakan at hindi magdulot ng kapayapaan.

Pero sinabi ni Arevalo na kung magdesisyon ang Pangulo na magpatuloy ang ceasefire ay susunod sila dito. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.