Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Militar nag-donate ng allowance sa mga hinagupit ni ‘Auring’

0 110

Ipinaubaya na lamang ng mga sundalong miyembro ng 2nd Infantry Division (ID) na nakabase sa Tanay, Rizal ang kanilang meal allowance upang tulungan ang mga biktima ng bagyong Auring sa Caraga region.

Sa press release nitong Sabado, sinabi ni Captain Jayrald Ternio, pinuno ng 2nd ID Public Information Office, na umabot sa P140,000 ang naimpok ng mga sundalo para ipangtulong sa mga “Auring” victim.

Aniya, ang donasyon ng mga sundalo ay tugon sa panawagan ng Jungle Fighter Ladies’ Club (JFLC) para sa mga biktima ng bagyo.

Iti-turn over ang nakalap na pera sa JFLC patungo sa Bayugan Young Leaders Organization, isang youth for peace organization na nagsasagawa ng relief efforts sa Caraga.

Ang JFLC ay kinabibilangan ng mga misis ng mga opisyal, sundalo, at babaeng civilian employee ng 2nd ID. (Issa Santiago)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.