Una sa Balita

Militar kumilos sa pagsalba sa 7 Indonesian

By
0 1

Pinaigting pa ng militar sa Western Mindanao ang kanilang operasyon upang mailigtas mula sa kanilang mga abductor ang pitong Indonesian nationals na dinukot at bihag ngayon Abu Sayyaf Group (ASG).

Kasabay nito, iniha­yag ni Western Mindanao Command (WesMinCom) spokesperson Maj. Felimon Tan Jr., na tukoy na nila kung sino at anong grupo ang may hawak sa panibagong mga dayuhang bihag.

Base sa intelligence report mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), tinukoy mga bumihag sa mga dayuhan ang Muktadil Brothers na sina Nickson, Brown, Badung at Dadis.