Una sa Balita

Militar isinabit sa Sayyaf 

By ,
0 1

DAVAO CITY — Inakusahan ni Jolo Mayor Hussin Amin ang ilan sa militar na umano’y kasabwat ng Abu Sayyaf at maging sa hatian ng ransom sa mga pinalayang bihag ay nakihati diumano.

Ito ang tahasang pag-amin ng pulitiko at sinabing ilan sa mga opisyal ay ginagamit ang mga miyembro ng Abu Sayyaf bilang ‘asset’ o spy sa lalawigan ng Sulu.

Nanawagan naman si Amin sa pamahalaan na imbestigahan ang mga tiwaling opisyal at sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na mag-conduct ng loyalty check sa hanay nito.

Abante Hiring – IT dep

“Mga scalawags, eh dapat nga huwag na lang patago, kung meron, imbestigahan, oo na andoon na ang ransom, pero imbestigahan kung sino ba ito? Sino ba ang kumikita sa ransom? Hindi naman Abu Sayyaf.

Iyan ang mga grupo na sabi iisa lang, ngayon dumadami na dahil may mga andiyan, ay ginagawang asset doon, sinasabing hindi nila asset, alam naman ng military yan,” ani Amin sa television giant ABS-CBN.

Sinabi pa ni Amin, na dating judge sa Jolo, bago ito naging pulitiko, na posibleng kumukuha rin ng impormasyon sa militar ang Abu Sayyaf.

Ayaw naman patulan ng Malacañang ang alegasyon.

“Kailangan siguro unawain muna natin ‘yung konteksto kasi hindi naman magaan na mapakinggan lang ‘yung mga ganyang salita ano.

Medyo mabigat yata ‘yung paratang na nakapaloob diyan,” pahayag ni Communications Secretary Sonny Coloma.