Una sa Balita

Militar ipapalit kay Piñol sa DA

0 348

ISANG militar ang napipisil ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipalit kay Agriculture Secretary Manny Piñol.

Sinabi ng Pangulo sa naghahanap na ito ng bagong Agriculture secretary at planong ibigay ito sa isang militar.

Ipinaliwanag ng Pangulo na madaling utusan at madaling umaksiyon ang militar gaya ng iba nitong miyembro ng gabinete napawang mga retiradong heneral.

“I’m scouting around. I feel maybe again a military man. Kasi madali mag-utos, magtrabaho,” anang Pangulo.

Sinabi ni Pangulong Duterte na kailangan niya si Piñol sa Mindanao­ dahil wala siyang tao na magtitimon at tutulong sa pagbangon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Si Piñol aniya ang magiging tulay ng gobyerno sa BARMM para mabilis na maiparating ang mga pangangailangan para sa pag-unlad ng rehiyon.

Sinabi ng Pangulo na maraming lupang pang-agrikultura sa Minda­nao at kailangan ang expertise ni Piñol para umunlad ang BARMM.

“Piñol is a very good cabinet member. And problema, wala akong tao, there’s nobody on my side talking to the BARRM to make the necessary arrangements for this entity to grow and their needs,” dagdag ng Pangulo.

Pangangasiwaan ni Piñol ang Mindanao Development Authority na isa ring cabinet post. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy