Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

MILF puwede ng makaboto pero bawal boga, uniporme

0 138

Papayagan nang makaboto ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation (MILF) sa Mayo 9, 2022 sa kondisyon na hindi sila magbibitbit ng baril at magsusuot ng kanilang uniporme.

Ayon sa Coordinating Committees on the Cessation of Hostilities (CCCH), makalalahok na sa eleksiyon sa Mayo 9 ang mga miyembro ng nasabing grupo pero kailangan nilang sumunod sa nasabing patakaran.

Sinabi ni Brig. Gen. Antonio Nafarrete, chairman ng government panel sa CCCH na nakapaloob ang aprubadong guidelines sa tigil-putukan na kasunduan sa pagitan ng mga opisyal ng MILF maging ng mga miyem­bro ng International Monitoring Team (IMT) at Commission on Elections (Comelec).

“Sa unang pagkakataon, magagamit na ng mga kapatid natin sa MILF ang kanilang karapatan na makapamili ng nais nilang maging lider,”

Iginiit ni Nafarrete na kailangan naman nilang matiyak ang seguridad ng paligid lalo ng mga botante kaya mahigpit nilang pinagbabawalan ang mga miyembro ng MILF na huwag magsusuot ng kanilang uniporme at magdadala ng baril sa pagboto sa mga presinto.

“The decommissioning is still ongoing, and as the election comes, we have to remind our forces on the ground that we still have those combatants that might be affected by these elections. Hopefully, no untoward incident will happen that is election-related,” ani Nafarrete. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.