Una sa Balita

Miley Cyrus may malaking pasabog, mga photo sa Instagram burado lahat

By
0 1,991

Tulala ang 76.2 million followers­ ng singer na si Miley Cyrus sa Instagram nang bigla nitong i-delete ang lahat ng kanyang pinost na photo at kulay itim na ang profile picture niya.

Naniniwala ang mga fan ni Miley na may bagong pinaghahandaan ito, at isang paraan ang pagbura ng lahat ng mga photo at video niya sa IG para sa new era na dara­ting sa career nito.

Nag-trend sa Twitter ang hashtag na #MileyIsComing at nakikiisa ang mga follower ni Miley sa ginawang pag-blackout nito sa social media account.

“In anticipation of the new era, let us all blackout our social media profiles to make the effect stronger­,” tweet ng isang netizen.

Maglalabas nga ng new music si Miley at ibang-iba ito sa last album niya na Younger na nilabas noong September 2017 pa.

“It’s official. Miley has deleted all her Instagram photos! Something BIG is coming! Miley’s gonna bring back the real pop,” balita pa ng isa pang ­Miley fan.

According to Us Weekly, Miley’s se­venth studio album is ‘in the works’.

Nakikita raw madalas si Miley sa Electric Lady Studio in NYC since May 2018.

“She has been recording the past few nights ‘til 4 a.m,” ayon pa sa source ng Us Weekly.