Una sa Balita

Miles palaban kay Juday sa best actress

0 465

Hindi pa tapos ang laban! Go, go, go, fight pa rin!

Ganyan dapat ang attitude ni Miles Ocampo, na hindi pa naman talaga tapos ang laban, kaya hindi siya dapat sumuko agad kay Judy Ann Santos.

Well, magkalaban nga sina Miles at Juday sa pagka-best actress sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Bida si Miles sa pelikulang “Write About Love”, kasama sina Rocco Nacino, Joem Bascon, Yeng Constantino, sa direksyon ni Chris Aquino. Si Juday naman ang bida sa “Mindanao” na dinirek ni Brillante Mendoza, kasama si Allen Dizon.

Eh, marami na nga ang nagsasabi na sure winner na si Juday, lalo na at kakapanalo lang nito ng best actress award sa Cairo, Egypt para sa nasabing movie rin.

“Jusko po, Miss Judy Ann Santos po ‘yon. Sabi ko nga nu’ng makita ko si Miss Judy Ann, na-starstruck talaga ako.

“Opo naman, kung siya ang mananalo, wala naman akong reklamo roon. Si Miss Judy Ann naman ‘yon.

“Sabi ko, panalo na ako, kahit nomination lang.

“Pero, wala namang masamang lumaban. Baka magparaya sila! Hahahaha!” natatawang sagot niya.

“Siyempre naman, laban pa rin po! Hindi pa naman tapos ang laban!” saad niya.

Anyway, malaki nga raw ang chance ng “Write About Love” na dumugin ng mga millennial, dahil sa kakaibang tema nito. Lalo na at ang TBA Studios ang nasa likod nito.

“Kami lang ang napiling rom-com, kaya sa mga gustong kiligin, at para sa family rin ito, panoorin niyo po. Ang wish lang namin ay makapasok sa Top 5. Hahahaha! Sana mabigyan ng chance ang movie namin!” sabi na lang ni Miles.

Sheena nag-enjoy sa panggagatas ng kambing

‘Milyun-milyon, Pinaslang sa Karagatan!’

Nakakaloka ang ganyang headlines, ‘di ba? Ganyan nga ba ang nangyari kamakailan sa mga seagulls, dolphins at whales?

‘Yan ang dapat alamin sa “Amazing Earth” ni Dingdong Dantes ngayong gabi.

Pero siyempre, mas kaabang-abang ang tinawag na ‘Amazing Birdman of Bulacan’ who has made it his advocacy to free caged birds whenever he can.

At nakakaloka rin ang yummy adventure ni Sheena Halili na kung saan ay sumubok siyang gatasan ang mga goat sa farm! Super nag-enjoy nga raw ang aktres sa adventure niyang ito. Nakarami kaya siya?

Ang “Amazing Earth” ay dinirek ni Rico Gutierrez.

Kate, Raph gumawa ng lava lamp

Nagbalik si Kate Valdez sa “I-Bilib”, kasama si wonder boy Raph Landicho para sumubok ng iba’t ibang eksperimento.

They cooperate with Chris, James & Roadfill in producing a dynamic lava lamp-like display out of mint candies dropped in a vat of oil and dark soda.

They also see the wondrous effect of light refraction which magically turns a colored illustration into black and white!

Sa “Bilibabols” naman, 2 teams ang magpapabilisan sa pag-decorate ng Christmas tree, using Christmas balls passed relay-style via bowls on their heads.

Meanwhile, the “Street Genius” team discovers the outcome of making a kerosene-filled can spin fast within a chamber, as well as the result of dropping antacid into hydrochloric acid, to illustrate how our stomach works.

At sa “Huling Hirit” gumawa rin sila ng Christmas stocking from an old jute sack as the latest addition to the Christmas décor-making tradition.

Tutukan lang ‘yan ngayong Sunday morning… “I-Bilib!”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy