Una sa Balita

Miles matindi ang tama kina Zanjoe, Sam

0 544

Super kaba, pero positibo, masaya at palaban si Miles Ocampo sa nalalapit na Metro Manila Film Festival (MMFF). Kasi nga, kasama ang pelikula niyang “Write About Love” na dinirek ni Cris Aquino, at prodyus ng TBA Studios.

Si Rocco Nacino ang leading man ni Miles sa “Write About Love”, at first time niya itong makasama sa harap ng kamera. Bida rin sa movie sina Yeng Constantino at Joem Bascon, with Romnick Sarmenta.

Kabado dahil oo nga naman, hindi biro na banggain mo ang mga hari at reyna ng MMFF na sina Vice Ganda, Coco Martin, at Vic Sotto.

Si Vice ay may kasamang Anne Curtis, with Dimples Romana. Si Coco ay may Jennylyn Mercado. Samantalang si Vic ay may Maine Mendoza at Pokwang.

Eh, nandiyan pa sina Aga Muhlach at Bela Padilla. Hindi rin pakakabog sina Judy Ann Santos at Allen Dizon. At may horror movie pa si Carmina Villarroel.

So, dapat ngang kabahan si Miles.

“Pero siyempre, umaasa pa rin kami na ang ganda ng pelikula ang magdadala sa amin. Proud po kami sa movie namin, at sana kapag napanood na nila sa first day, ipakalat nila na maganda ang movie,” chika ni Miles.

Anyway, alaga ngang kulitin, asarin ni Miles si Rocco. Sa look test, at sa promo shoot pa lang daw nila, nagawa na niyang biruin ang binata.

“Magaling po siyang makisama. Madali siyang makapalagayan ng loob. So, nabibiro ko na po siya na, ‘Uy Kuya, ayaw niyang patawag na Kuya… Hahahaha! Sabi ko sa kanya, ‘Uy, Rocco, galingan mo, ha! Kasi ganyan kaming mga Kapamilya. Ganyan kaming magtrabaho. Hahahahaha!

“So, ang tawag niya sa akin, Kapusong Miles, at Kapamilyang Rocco naman ang tawag ko sa kanya,” patuloy na kuwento pa ni Miles.

Anyway, no boyfriend since birth nga si Miles, at ganu’n na ganu’n din daw ang role niya sa “Write About Love”. Pero, nakakaaliw nga si Miles, dahil sa totoo lang naman, dalawang Kapamilya actor na ang nagtangkang manligaw sa kanya, pero mukhang lahat sila ay binasted niya.

Kasi nga, sa edad na 22, parang hindi pa raw siya ready na magkadyowa. Parang nag-i-enjoy pa raw siya na naglalakwatsa na mag-isa, o tipong may ‘me time’ pa siya.

Pero, kung mga katipo raw nina Sam Milby at Zanjoe Marudo ang manliligaw sa kanya, baka mag-iba ang timpla ng pakiramdam niya, o mag-iba ang ihip ng hangin, magbago ang isip niya, at subukan na niyang makipagrelasyon.

Type na type ni Miles ang kakisigan nina Sam at Zanjoe. Bet na bet niya ang mga labi ni Zanjoe, samantalang type na type niya ang mga mata ni Sam.

Well, panoorin ang kabuuan ng rebelasyon ni Miles sa “Abantelliling” sa Thursday (Nov. 14) sa Facebook page ng Abante News Online, at pati na rin sa Abante Tonite YouTube channel.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy