Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mikey dismayado sa retiro ni Manny

0 74

AMINADO si multi-weight world champion Mikey Garcia na dismayado ito nang mabalitaan niyang namaalam na sa boksing si Pinoy-ring icon Manny Pacquiao.

Matagal na aniya niya kasing asam na makalaban ang 42-anyos na fighting senator ngunit hindi ito nakahirit.

Tingin ni Mikey, kailangan niyang makatapat si Pacman para makilala rin siya bilang isang sikat na contender.

“I was interested in Manny and Regis [Progais], but we weren’t able to get those fights,” panghihinayang ni 33-anyos American fighter Mikey.

Related Posts

“I want to pursue big fights, title fights, and be recognized as one of the best fighters in the world once again. This is another step in that direction.”

Matatandaang kabilang si Mikey sa radar ni Pacman, natatanging eight-division champion sa mundo, ngunit mas pinili ng Pinoy fighter na labanan si Errol Spence Jr. na kalaunan ay nabulilyaso at nauwi na lang kay Yordenis Ugas.

Ilang linggo lang matapos ang laban ni Manny kay Yordenis ay napagpasyahan na nitong magretiro sa boksing at magpokus na lang sa serbisyo publiko partikular ang pagtakbong pangulo sa 2022 Halalan sa Pilipinas. (Aivan Episcope) 

Leave A Reply

Your email address will not be published.