Una sa Balita

Mikey abangers kay Manny

0 346

KUMPIYANSA si dating four division world champion Mikey Garcia na matutuloy na ang nilulutong bakba­kan nila ni WBA welterweight champion Manny Pacquiao sa 2020.

“We’ve been discussing a fight against Manny Pacquiao for a long time now, and it seems like it’s very close and it can actually happen,” pagsisiwalat ni Garcia.

Ayon sa Mexican-American boxer, hindi lang agad napaplantsa ang nagaganap umanong negosasyon sa pagitan ng kanyang kampo at grupo ng Pambansang Kamao dahil sa pagiging abala pa sa ngayon ng fighting senator.

“He has some obligations [with his political career] right now. He’s still busy with that,” dagdag pa niya.

Pero nagpahiwatig naman daw si Pacquiao ng interes sa laban.

“But the last thing I heard, he’s interested in fighting­ in the early part of the summer.”

Dahil dito’y hindi umano palalampasin ng 4-division world champ ang pagkakataong makasuntukan ang Pinoy star lalo pa’t wala pang opisyal na anunsyo kung sino talaga ang susunod na makakalaban ni Pacquiao.

“There’s still no opponent secured. That’s why I want to jump in and try and get that fight,” panapos nito. (Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More