Una sa Balita

Mikee Quintos nakakaasiwang panoorin

By
0 3,006

Hindi binigo ng direktor na si Zig Dulay ang mga nag-abang noong Linggo sa pilot episode ng Sirkus dahil entertaining ang bagong fantasy series ng GMA 7. As expected, umariba nang husto si Cherie Gil dahil effective siya sa kanyang bida-kontrabida role at nakakaaliw ang mga dialogue niya sa Sirkus.

Nakasentro ang kuwento ng Sirkus sa kambal na sina Mia at Miko na ginagampanan nina Mikee Quintos at Mikoy Morales, respectively.

Ang huwag pagsuotin si Mikee ng skinny fit jumpsuit ang panawagan namin sa stylist ng show dahil nakakaasiwa na panoorin.

Abante Hiring – IT dep

Parang may personal na galit at inggit sa body fats ni Mikee ang stylist ng show kaya pinarusahan siya sa pamamagitan ng pagpapasuot sa kanya ng hapit na hapit na jumpsuit.