Una sa Balita

Mikee, Albee pinakamayaman sa Kamara

0 218

TUMAAS ng P14.7 milyon ang yaman ni dating Pa­ngulo at outgoing House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo base sa isinumite nitong 2018 Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN)

Sa kanyang 2018 SALN, umakyat sa P479,546,617.30 ang net worth ni Arroyo, mataas ng P14.779 milyon kumpara noong 2017.

Ang kinatawan ng Pampanga ang ika-10 pinakamayamang miyembro ng Kamara sa ilalim ng 17th Congress.

Nahalal itong Speaker ng Kamara noong Hulyo 2018 matapos patalsikin sa puwesto si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez sa mismong State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nangunguna pa rin sa listahan si 1-Pacman Party-list Rep. Mikee Romero na nagdeklara ng net worth na P7.8 bilyon.

Nasa ikalawang puwesto naman si outgoing Negros Occidental Rep. Alfredo ‘Albee’ Benitez na may P1.017 bilyon net worth, habang nasa ikatlong puwesto naman si dating First Lady at Ilocos Norte Rep. Imelda R. Marcos sa net worth nitong P923.8 milyon.

Inokupa naman ni dating House Speaker at Quezon City Rep. Feliciano Belmonte Jr. ang ika-apat na puwesto sa P864.8 milyong net worth.

Ang iba pang pasok sa top 10 ay sina Manila Teachers Party-list Rep. Virgilio Lacson (793.9M), Marikina Rep. Bayani Fernando (P748M), outgoing Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo Jr. (P714.6M), Batangas Rep. Vilma Santos-Recto (P533.3M), Leyte Rep. Yedda Romualdez (P487.6M) at Arroyo (P479.5M). (JC ­Cahinhinan)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy