Una sa Balita

Mike Harris umiskor ng 44; Alaska nilubog ang Columbian

By
0 335

NAMBARAKO si Mike Harris ng 44 points at 27 rebounds at sinagasaan ng Alaska ang Columbian Dyip 104-94 Miyerkoles ng gabi sa Cuneta Astrodome.

Nakabawi mula sa 83-73 loss sa Magnolia noong Linggo, angat sa 6-2 ang Aces at inakbayan ang Blackwater sa third place ng PBA Go­vernors Cup. Nasa una­han nila ang Hotshots (7-1) at Ginebra (7-2).

Magbabasagan ang Aces at Elite sa Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Nakipagsabayan sa first three quarters ang Dyip pero tulad ng mga unang laro ay tumukod sa endgame at nabaon pa sa 0-9.

Mula sa 53-43 hole sa halftime, nilista ng Columbian ang first 7 points ng third para dumikit 53-50 pero kumana si Harris ng floater, sinundan ng 3 ni Simon Enciso at layup pa ni Noy Baclao at muling lumayo ng 10 ang Alaska.

Mula roon, inalagaan na ng Aces ang lamang.

Karamihan sa 17 for 25 field goal shooting ni Harris ay mula sa loob, bahagi ng 66-42 edge ng Aces sa scoring mula sa paint.

Nagdagdag si Vic Manuel ng 16 points, may tig-10 sina JVee Casio at Chris Banchero sa Alaska.

Kinapos ng isang assist si Akeem Wright para makumpleto ang triple-double sa kinamadang 19 points at 15 rebounds para sa Columbian. May 14 din si Jackson Corpuz at 14 kay Jerramy King.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy