Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mika throwback sa Ilocos bubble

0 43

TANAW-BALIK sa Ilocos Norte adventure si Sta. Lucia Lady Realtors middle blocker Mika Reyes sa kanyang Instagram story nitong Biyernes.

Ilang mga larawan ang ibinahagi ng sikat na volleybelle sa nasabing lugar kung saan ka-bonding nito ang kanyang teammate na si skipper MJ Phillips at humirit pa ng “heart heart”.

Noong nakaraang 2021 Premier Volleyball League Open Conference, kinapos na makasampa sa final four ang Lady Realtors makaraang pumanglima sa elimination round.

Samantala, aaksiyon naman si Phillips kasama ang Team Choco Mucho sa darating na 2021 AVC Asian Women’s Club Volleyball Championship sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Papalo ang Team Choco at Team Rebisco upang irepresenta ang bansa sa torneo na gaganapin sa Oktubre 1-7. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.