Una sa Balita

Mika Reyes ayaw muna ng lovelife

0 9

Maraming tagahanga ni former La Salle star Mika Reyes ang nagda­rasal na sana makatagpo na siya ng isang tamang lalaking magmamahal sa kanya at mamahalin din niya in return.

Matagal na nga naman ‘yung panahong nagkahiwalay sila ni Kiefer Ravena.

Si Kiefer ay mayroon na ring panibagong lovelife na walang iba kundi si Alyssa Valdez.

Nakikita naman na­ting masaya ang dalawa. Kaya ganun rin ang wish ng mga fans ni Mika.

May mga nakapilang gustong manligaw kay Mika, pero ayaw pa muna nitong magka-boyfriend ulit.

Mas happy raw siya sa pagiging single walang commitmment kahit kanino.

Focus na lang daw muna siya sa kanyang career.

Naku, baka naman sa sobrang busy ni Mika sa career eh makalimutan nang magka-lovelife?

***

Sina Alyssa at Kiefer ay officially naging mag-on nuong May 4 this year.

Pero kamakailan lang nila ini-announce at sa TV show pa ni Boy Abunda sa ABS-CBN 2.

Tinapos na muna ni  Alyssa ang UAAP volleyball tournament bago siya umamin.

***

Grabe ang tinatanggap na papuri ni Terrence Romeo  dahil sa magandang showing niya nung laro ng Gilas vs. iran.

May mga galaw siyang binaboy niya lang ang mga kalaban  at tuwang tuwa ang mga tao sa kanya.

Sa ngayon, siya na nga ang player na kapag ipinapasok ni Coach Tab ay nakaka-excite sa mga manonood.

***

Hindi na rin nakakapag practice sa Ginebra sina Japeth Aguilar at LA Tenorio.

Kaya hirap na mabuo ang Ginebra sa araw-araw na practice nila.

***

Sa Hunyo 20 pa ang balik-practice ng Alaska milk.

Medyo matagal ang ibinigay sa kanilang bakasyon matapos silang makarating sa Finals nang nakaraang Conference.