Una sa Balita

Mika, Nash magdyowa na

Umamin sa ‘Abantelliling’

0 1,520

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyNang dahil sa “Abantelliling” napaamin namin ang nakababatang kapatid ni Angelika De La Cruz at isa sa casts ng “Pamilya Roces” sa GMA 7 na si Mika De La Cruz.

Hindi inaasahan ang pag-amin ni Mika sa guesting niya sa taped-as-live show namin ni Dondon na ipala­labas isa sa mga susunod na araw.

Nagkataong natanong ang dalaga kung sino ang manliligaw nito ngayon na sinagot lang nito ng “marami”.

Pero nang tignan ni Dondon si Mika at makahulugang ngumiti sabay sabing ‘di ba si ano?’, ngumiti nang makahulugan ang aktres.

Nag-random ng mga pangalan kung sino ang nali-link kay Mika, at nabanggit nga na si Nash Aguas, ng ABS-CBN 2 ang isa sa visual na malapit sa dalaga, dahil na rin sa sipag nitong mangampanya sa kandidatura noon ni Angelika bilang barangay captain sa Malabon.

“So, si Nash Aguas na nga?, ang diretsa­hang tanong namin kay Mika na nagpangiti lalo sa dalaga at sa reaksyon niyang hindi niya alam kung ano ang sasabihin.

Nasa mukha nito ang pagnanais na magsalita pero, pinipigil nito ang sarili.

“Okey lang naman na sabihin kung kayo na. Mas maganda na maging honest and vocal”, ang linya namin kay Mika, na siyang nagpa­salita sa dalaga.
Ayun na nga! Umamin na si Mika na may tatlong araw (nu’ng guesting niya last Tuesday) na mula nang sagutin niya si Nash nang “Oo, tayo na”.

Ang sweet at napaka-special ng pagsagot ni Mika kay Nash, dahil gumawa siya nang 15 pages na letter (handwritten huh!) at doon binalikan niya ang istorya nilang dalawa ng young actor.

Sabi nga ni Mika, mula nang una silang magsama sa show sa ABS-CBN 2, hanggang sa maging magka-love team sila nito, hanggang sa kasalukuyan, ‘yun ang nakalagay sa kanyang letter.

Hindi kataka-takang abuting 15 pages sa kanyang pagsusulat si Mika lalo’t buong talambuhay ng pinagdaanan nila ni Nash bilang magkaibigan ay inilagay nito sa isang love journal.

Inabot nga raw nang matagal si Mika bago nito natapos ang kanyang 15-page letter kay Nash na inunti-unti at pinagtiyagaan niyang sulatin sa tapings.

Dalawang taon raw nanligaw si Nash sa kanya officially, at nasuklian naman ‘yun ng isang kakaiba pero punong-puno ng affection na love letter kalakip ang pagsagot ng “oo” ni Mika.

Sa Tagaytay ibinigay ni Mika ang letter kay Nash. Nandun siya nang iabot niya ang letter para masigurado niyang babasahin ito ng aktor mula sa umpisa hanggang sa katapusan.

Umiyak raw si Nash nang mabasa ang letter, sa sobrang tuwa at touched nito sa effort ni Mika sa kanya.

Panoorin ang iba pang mga detalye ng pagsagot ni Mika sa panliligaw ni Nash sa “Aban­telliling” na makikita sa Abante News Online FB page at Youtube, pati na sa iba pang social media platform.

Maaaliw kayo at mai-inspire sa pagtingin ni Mika sa unang love relationship, na malayo sa ibang mga pagturing ng mga millenial sa relasyon.

 

Angelica, Carlo nagpasabog ng kilig sa kapwa-celeb

Natuloy na ba uli sina Angelica Panga­niban at Carlo Aquino sa urong-sulong na pagbabalidalawa?

Napuno ng iba’t ibang reaksyon ang isang posting ni Angelica sa kanyang Instagram kung saan may nakabalandra na maliit na polaroid shot na nakandong ang isang babae sa lap ng isang lalake at masaya ang kanilang mood.

Naintriga ang mga follower ni Angelica na parang tumutukoy na sa pagbabalikan nila ni Carlo, sa sinulat nitong caption.
@iamangelicap, “hindi na matatapos. Lahat­ ng kaligayahan ngauon, para sayo. Mahal kita.”

Walang kinukumpirmang kahit ano si Angelica, pero bumuhos ng maraming comment sa kanyang IG account ang aktres mula sa mga kasamahan nito sa showbiz na kinikilig sa posting nito.

@milesocampo, “Dahil po yan sa Fore­vermore!!!”

@maxenemagalona, “AHHHHHHH!”

@alorskieee, “tumalon yung tonsils at puso ko sa kilig”.

@pocholobarretto, “may announcement ka pudding? Miss namen kayo ni risidinchef malapit na tayo magsamasama!!! Hahahaha!”

@marvinagustin, “Tri and Angel Pati kami ni Jolina, tinatamaan! Sobra na to ah!”

@mariajolina_ig,” sobrang kiliiiiiig!!!!!

@marvinagustin, “@mariajolina_ig kinikilig ka babes???”

@janeoneiza, “WAAAAAAAA”

Nag-reunion ang team up nina Angelica at Carlo sa blockbuster movie na “Exes Baggage”.

Habang ginagawa ang movie, panay ang palipad-hangin nina Angelica at Carlo ng love messages sa isa’t isa.

Dumating pa sa puntong dumalaw ang mga magulang at mga kapatid ni Carlo sa tahanan ni Angelica, na sinasabing isang indikasyon nang pagbabalikan na ng dalawa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy