Una sa Balita

Mika Mika Mika disqualified, mga liyamadista lupaypay 

By
0 258

LUPAYPAY ang mga liyamadista matapos ang masaklap na pagka-disqualify ng kabayong Mika Mika Mika Huwebes ng gabi sa Condition Race na ginanap sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Pera na, naging bato pa matapos ma-“inquiry for first” si Mika Mika Mika.

Unang tumawid ng meta si Mika Mika Mika na nirendahan ni class B rider Jericho Serrano, umoras ng 1:26.6 minuto sa 1,300-meter race subalit nagkaroon ng insidente sa unang kurba sanhi ng kanyang pagka-disqualify.

Sa unang likuan ng karera, kinukuha ni Serrano ang unahan pero bumalya ito at nasagi si Awat Na Boy kaya nalaglag ang hinete nito na si apprentice rider PM Cabalejo.

Ayon sa Board of Stewards, hindi sumunod si Serrano sa “two-horse length rule” – ibig sabihin, dapat malinis na dalawang kabayo ang agwat bago ito bumalya upang hindi masalto ang mga nasa likuran nito.

Dahil sa diskuwalipikasyon ni Mika Mika Mika, binigay ang panalo sa na­segundong si Awesome na isang dehado, nakopo ng My Lady Conza ang second place at tersero si Double Rock.

Nalaglag sa hulihan si Mika Mika Mika at napatawan ng suspensyon si Serrano.

“Na-cut ni Serrano si Awat Na Boy kaya napilitang pumigil si Cabalejo, nahulog tuloy siya,” saad ng beteranong karerista na si Jonathan Mancenido. “Dapat dalawang kabayo ang lamang mo bago ka mag-swerve sa balya,”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy