Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mika, Lady Realtors itutuloy ang ratsada

0 145

Mga laro ngayon:
(PCV Socio-Civic & Cultural Center)
1:00pm — PLDT vs BaliPure
4:00pm — Army vs Perlas
7:00pm — Petro Gazz vs Sta. Lucia

PUNTIRYA nina ace middle blocker Mika Reyes at ng Sta. Lucia Lady Realtors na masungkit ang panalo kontra Petro Gazz Angels sa 2021 Premier Volleyball League Open Conference, Huwebe, upang mapalakas pa ang kanilang tsansang makahampas sa semifinals.

Sa huling laro ng Lady Realtors (5-3) sa preliminary round, hangad ng koponan na maibagahe ang tagumpay laban sa Angels (5-2), alas-6 ng gabi sa PCV Socio-Civic & Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.

Nasungkit ng Sta. Lucia nitong Martes ang kanilang fourth-straight win makaraang manaig 25-13, 25-18, 25-16 kontra Perlas Spikers sa pangunguna nina MJ Phillips na umiskor ng 16 points at Jovie Prado na kumana ng 10 puntos.

“Sabi nga ni sir Buddy (team manager Buddy Encarnado), do or die na talaga siya kasi ‘yun ang magde-determine kung makakapasok kami sa playoffs,” litanya ni Reyes, may siyam na puntos sa laban.

“Ayaw din namin ibase sa laro ng ibang teams kung ano ‘yung magiging kapalaran namin saka mas maganda na rin siguro na kami ‘yung gagawa ng way para makapasok.”

Sa kabilang dako, mula rin sa panalo ang Petro Gazz matapos walisin ang Chery Tiggo Crossovers 25-18, 25-20, 25-22 sa tulong ni Ria Meneses na nagtala ng 11 points.

Samantala, maghahampasan rin para sa triple-header game ang PLDT Home Fibr Power Hitters (1-6) at BaliPure Purest Water Defenders (2-5), ala-1 ng hapon habang aaksiyon ang Black Mamba-Army at Perlas Spikers sa alas-4. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.