Una sa Balita

Mika, Eya kinulang, bronze naglaho

0 414

NAGPAALAM sa bronze medal sina Mika Reyes, Eya Laure at ang Philippine women’s volleyball team nang yumuko sa Indonesia, 20-25, 26-24, 15-25, 25-20, 14-16, kahapon sa 30th Southeast Asian sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Walang nagawa ang 17 puntos ni Molina, 14 markers ni Alyssa Valdez at ang malaking ambag nina Reyes at Laure sa mas matatag na Indonesians.

Sa second set, naipuwersa ng national team ang laban 24-all, isang atake mula kay Mylene Paat at attack error mula sa Indonesia ang nagbigay ng set para sa koponan.

Pagdating ng fourth frame, tinambakan ng national team ang kampo ng Indonesia 21-12 upang mapahaba pa ang serye sa fifth set.

Sa huling yugto, unang­ naka-abot sa match point ang Pinay spikers 14-12 ngunit rumagasa ang kampo ng Indonesia upang makuha ang laban at maiuwi ang bronze medal.

Bumida para sa opensa ng Indonesia si Megawati Hangestri Pertiwi na umiskor ng 35 points, Arsela Nuari Purnama na nagtala ng 13 points at Hany Budiarti na may 11 points. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More