Una sa Balita

Mika dela Cruz umamin sa ‘MU’ kay Nash Aguas

By
0 709

Aware naman pala, lalo na ang mga fan nina Mika dela Cruz at Nash Aguas na nanliligaw ang huli kay Mika. Hindi rin naman itinanggi ni Mika nang makausap namin. ‘Yun pala, may history na ang dalawa bata pa lamang.

So safe to say na Goin’ Bulilit pa lang, may crush na si Nash kay Mika. At sabi naman ni Mika, more than a year na raw na nanliligaw si Nash. As in, umaakyat ito ng ligaw sa bahay nila.

Alam namang mahigpit kay Mika ang Ate niya na si Angelika dela Cruz, pero sey ni Mika, sa lahat daw si Nash lang ang pinayagan ng Ate niya na manligaw sa kanya.

Naalala tuloy namin noong election. Kaya naman pala masigasig si Nash na sumuporta sa pangangampanya ni Angelika noon sa pagka-Barangay Chairwoman.

Anyway, sey ni Mika hindi pa raw niya sinasagot si Nash. Pero somehow may understanding sila.

Kasama si Mika sa bagong primetime series ng GMA-7 na Pamilya Roces. May pagka-kontrabida ang role niya rito at wala raw problema kay Mika kung bida o support man siya. Importante rito, naibibigay niya ang best niya.

Sa Lunes, pagkatapos na ng Onanay ang pilot ng Pamilya Roces.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy