Una sa Balita

Mika, Barbie palaban sa giyera kay Coco Martin

0 884

abante-paistaran-dondon-serminoAng “Kara Mia” na pagbibidahan nina Mika dela Cruz at Barbie Forteza, kasama sina Paul Salas at Jak Roberto, ang sabi-sabing ipantatapat sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin.

Sila Barbie, Mika na nga ba ang magpapataob kay Cardo Dalisay? At kailan nga ba magaganap ang bakbakan nila?

“Actually sa amin po wala pa kaming alam kung sino ang magiging katapat namin. Wala pang detalye na ibinibigay sa amin ang GMA.
“Pero for me lang, naniniwala ako na wala ‘yan sa artista, nasa story ‘yan. So, dahil malakas ang paniniwala ko sa story, naniniwala ako na kahit saan kami ilagay, hopefully, magustuhan din ng mga tao,” sabi ni Mika.

“Pero, isang malaking karangalan na sa amin na ipantapat doon. At gagalingan na lang namin,” sabi naman ni Paul.
Palaban ba sila?

“Lalaban kami. Siguro mas mapu-fuel kami na bonggahan namin, na ibigay namin lahat, gawin namin lahat ng hindi pa namin nagagawa, ha!” saad pa ni Mika.

Handa sila sa matinding giyera laban kay Cardo/Coco?

“Opo, ready kami sa giyera. Da­lawa kami ni Barbie. Tapos kasama pa namin sina Paul at Jak.

“May isang meme nga na dalawa kami ni Barbie, si Barbie may hawak na baril. Nakakatutwa lang. So, palaban talaga. Nu’ng una paisa-isa lang, ngayon ang dami-dami na.”

“Pero kami naniniwala na ‘pag naipalabas na ito, matutuwa talaga sila, at makikita nila na malaman ang story nito. Na puwede talaga nilang pag-aksayahan ng oras talaga.”

Teka lang, okay lang ba na ibinalik ang love team niyo ni Paul Salas, na nagsimula sa ABS-CBN noon?

“Masaya, kasi medyo maarte ako sa love team, as much as possible ayoko. Pero si Paul, kaibigan ko at matagal na kaming magka-work, kaya happy ako, at kumportable ako sa kanya,” sagot ni Mika.

“Okey siya kasi lagi niya akong natutulungan sa mga heavy na scenes. Nahihirapan kasi ako sa mga matitinding eksena,” sabi naman ni Paul.

“Pero, kakaiba rin kasi ang magiging twist nito, dahil parang lahat kami magkaka-partner. Parang ma-partner ako kay Jak, si Barbie kay Paul.”

Mukha ng Kapuso actress ginamit sa porn site

Speaking of mga meme, ano ang feeling ni Mika na kahit saan ay nakikita niya ang mukha niya, na kasama nga si Barbie?

“Nakakatawa talaga. Hindi ko in-expect na kakagatin nila ang idea, na kakaiba kasi ang pro­ject. Sabi ko nga, kung hindi ito napansin, nakakatakot, nakaka­kaba. Pero, ngayon pa lang, nagugulat kami, nakakatawa ang mga meme.

“Nakakainis lang minsan, kasi ‘yung mukha ko, ibang-iba. Kung saan-saan ko nakikita ang mukha ko ngayon. ‘Yung iba medyo bastos na rin, eh.

“Like ‘yung sa mukha ko, inilagay nila, ipinatong nila sa mukha ng isang babae na star sa adult o porn site. Paano nangyari ‘yon? Pero, matataba talaga ang utak ng mga Pinoy at malamang mga la­laki ang gumawa noon. Pero, okey lang. Keep up the good work na lang. Hahahaha!” natatawang chika ni Mika.

“Actually naka-save lahat ‘yon. Pero, nakakatuwa ‘yung inilabas na parang doll, na collection nila. Ginaya talaga sa amin ni Barbie.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy