Una sa Balita

Miguel Tanfelix naligaw sa Japan

0 334

Habang walang teleserye ay ang pagta-travel muna ang inaasikaso ni Miguel Tanfelix. #TravelGoals nga muna si Miguel at Japan ang una niyang pinuntahan.

May travel vlog si Miguel at gusto niyang bumiyahe nang mag-isa para mas marami raw siyang mapuntahan. Isa sa paboritong bansa ni Miguel ang Japan at una siyang nagbakasyon doon noong 2017. Bumalik ulit siya roon na mag-isa lang siya at naligaw-ligaw daw siya.

Pero may naidulot daw na maganda ang pagkaligaw niya sa Japan dahil mas marami raw siyang nadiskubreng lugar na hindi niya napuntahan two years ago.

Mapapanood sa YouTube channel ni Miguel ang kanyang “lost in Japan” adventure, ang pagtikim niya ng iba’t ibang pagkain roon at ang mga selfie niya sa magagandang tourist spots. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy