Una sa Balita

Miguel pinaglalawayan ng mga beki

By
0 759

Kaya naman pala madalas nakikita sa gym ang Kapuso leading man na si Miguel Tanfelix dahil nagpapaborta ito ng katawan dahil sa role niya sa teleserye na Sahaya.

Marami nga na topless scenes si Miguel sa Sahaya dahil gumaganap siya bilang isang Badjao. Marami siyang eksenang nagsasagwan at lumalangoy siya sa ilalim ng dagat at dapat ay may makitang six-pack abs sa kanya tulad ng mga Badjao na batak ang mga katawan.

Tiyak na maraming beki ang mag-aabang sa mga eksenang ito ni Miguel para pagpantasyan siya gabi-gabi. Hindi na kasi bata si Miguel at ang pag-transition niya sa role na ito ay nagbigay ng go signal sa mga beki na paglawayan ang bortang katawan niya!

Tamang-tama rin dahil summer na at puwede ring i-display ni Miguel sa beach ang pinaghirapan niyang ma-achieve na katawan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy