Una sa Balita

Miguel pasabog ang resbak kay Marvin

By
0 2,132

Isang mainit na eksena ang pinasabog nina Miguel Tanfelix bilang Diego at Marvin Agustin bilang Raymond sa Kambal, Karibal dahil nalaman na kung sino ang tunay na pumatay kay Manuel De Villa (Christopher De Leon).

Napakahusay ng atake ni Miguel sa kanyang karakter, at sa mga shots kay Marvin, kita rin sa mga mata nito ang pagkabilib sa co-actor habang nasa eksena. Lumabas ang galing ni Miguel sa drama, at talagang damang-dama ang nag-uumapaw niyang galit.

Napaka-natural din ni Marvin sa pagiging isang kontrabida, at harmonious ang eksena nila dahil tama ang timpla ng bawat kilos nila rito. Napakagaling talaga ng cast ng Kambal, Karibal kaya ito ang mas tinututukan ng viewers sa primetime!

Jennylyn balik Jiu-jitsu

Walong taon ang ginugol ni Jenny­lyn Mercado sa pag-aaral ng Jiu-jitsu at matagal-tagal na rin ang panahon mula nang hininto niya ito. Pero ngayong puno ng aksyon ang bago niyang teleseryeng The Cure, minabuti niyang magbalik-loob dito at magsanay muli.

Ayon sa Kapuso actress, na-miss niya ang pagkakaroon ng intense na bakbakan, hindi lang sa mga eksena kundi maging sa kanyang workout. Masaya siya sa pagkakaroon ng pagkakataong pagsabayin ang trabaho at ang kanyang hobby!

Kaya abangan si Jen sa The Cure dahil siguradong maraming hahanga at mahuhumaling sa kanya bilang Charity Salvador na mapapanood na sa Abril 30!

Rocco wet and wild sa LSBP

Mukhang wet and wild ang pasabog ni Rocco Nacino sa Lip Sync Battle Philippines ngayong Linggo at handa na siyang kabugin ang performance ng former champion na si Ruru Madrid! Maraming nakahandang gimik at panggulat itong si Rocco sa LSBPH, at siguradong mahihirapan ang judges sa pagdecide kung sino ang magwawagi sa gabing iyon.

Wag ring palampasin ang mga laglagang magaganap sa pagitan nilang dalawa dahil may mga sikretong ibubunyag ang magkaibigan tungkol sa isa’t isa. Tutok sa Lip Sync Battle Philippines ngayong Linggo, pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko sa GMA!