Una sa Balita

Miguel, Bianca nilampaso sa rating sina Liza, Enrique

By
0 1,844

Naku umariba na naman ‘yang po­wer interruption at cable disruption sa ibang lugar nu’ng magkasunod na gabi kaya naman umalma ang viewers ng Kambal, Karibal ng GMA dahil sinasabotahe na naman ang paborito nilang GMA Primetime program.

Eh, palung-palo pa naman ang mga episode nu’ng Monday at Tuesday evening, kaya naman agad-agad itong nag-trending sa Twitter at pina­dapa ang katapat nitong Bagani na sina Liza Soberano at Enrique Gil ang mga bida), huh!

Hindi kasi makaa­gapay sa tapatan ang Bagani sa Kambal, Karibal dahil kakaiba ang konsepto nito kumpara sa Bagani na lumang-luma! Mas magaling pang umarte ang lead stars kumpara sa fantaserye ek-ek na lagi yatang hamon ang kinakain sa set!

Pagdating sa ratings na inilabas ng AGB Nielsen, poor second ito sa KK, huh! Sa pilot episode lang pumalo ang ABS series and then, laglag na laglag na!

Puro form at walang content kasi ang Bagani kumpara sa Kambal, Kari­bal kaya asahan na magpapatuloy pa ang power interruption at cable disruption sa ilang lugar para mabawasan ang viewers ng Kapuso series!

‘I intend to be a hater slayer!’ – Kris

Chillax na si Kris Aquino matapos bumuga ng apoy kina James Yap at Korina Sanchez. Nakatulong sa pagpapakalma sa kanya ang bulalak na pinadala sa kanya ni QC Mayor Herbert Bautista.

Ang binanatan naman ni Kris ay ang account ng poser ni Loisa. Naka-post sa kanyang Instagram ang screen grab ng dalawang Loisa Andalio. Eh, nagkomento ang poser ng, ‘your insane’ kaya bumanat ang Queen of All Media.

“(Hindi pa marunong ng difference ng YOU’RE & YOUR) & inagawan pa yung totoong Loisa ng pagkatao. Because of this I am FOLLOWING THE TRUE LOISA,” bahagi ng post ni Kris.

Nagpaliwanag din si Kris na kaya siya sumasagot sa bashers… “because the NEGAS feel they’re the only ones w/ a voice. Kung may vampire slayer I intend o be a #haterslayer.”

Anne head ng LOL

Sumabak na rin sa pag-discover at pagma-mange ng mga talent ang aktres, direktor at acting coach na si Anne Villegas.

Bi­nuo niya ang Light of Life (LOL) Talent Ma­nagement, Inc. na ngayon ay meron nang 20 aspiring singers, actors at models.

Nakalabas na ang ilan sa mga show sa GMA, ABS-CBN, movies, stage at commercials. Pormal silang ini-launch ni Villegas sa isang show na ginanap sa Wilcon Mall, sa Visayas Avenue, QC.

Ayon kay Anne, ang stable of talents niya ay itinuturing niyang pamilya bonded by love, service to God and aiming for excellence and quality.