Una sa Balita

Migo umaming tumoma kontra depresyon

0 296

Malaki ang impluwensiya ni Kuh Ledesma bilang Christian kay Migo Adecer na discovery niya. Nanalo man si Migo sa “Starstruck” noon pero hindi agad umangat ang career niya.

“Wala man si Kuh ngayon dahi sa tour niya sa America, what she had left me is to be diligent and give glory to God and I guess if it wasn’t for God’s plan we will not be here in the industry.

“So when we feel weak, when we feel low, we go back to our Creator to be rejuvenated, to be recharged.

“Between going to church and drinking, hehehe, drinking will only make you forget your problems. Going to church will make you face it. So I kinda face off.

“I work the hard way! Ha! Ha! Ha!” pahayag ni Migo sa blogcon ng pelikulang “Black Lipstick” na pinagbibidahan ni Kyline Alcantara mula sa Cine Obra.

Dahil sa pananalig sa Diyos, nagkaroon ng sigla ang career ni Migo. Nu’ng walang masyadong projects, lagi siyang nasa La Union para mag-surf at naging takbuhan niya ang alak para hindi maisip ang problema sa buhay at career.

Paalam Direk Mel, Isah Red

Kalungkot naman ang nangyari kahapon sa showbiz sa pagyao ng director na si Mel Chionglo at entertainment editor Isah Red.

Sa Facebook post ng line producer at manager ni Allen Dizon na si Dennis Evangelista, inihatid ni Direk Joel Lamangan ang malungkot na balita kay Direk Mel na namatay ng 1:30am nu’ng Sabado.

Nakatrabaho ni Dennis ang mahusay na direktor sa pelikulang “Lauriana” at “Iadya Mo Kami”.

Samantala, ang pagpanaw ni Isah ay ibinalita ng film producer na si Baby Go. Si Isah Red ang founder ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors), na siyang namamahala sa Eddys Awards.

Ang aming pakikiramay sa naulila nina Direk Mel at Isah…

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy