Una sa Balita

Midterm polls makakaapekto sa paghahanda sa SEA Games

By
0 302

MAY mga agam-agam si Philippine Olympic Committee (POC) president Ricky Vargas tungkol sa paparating na May 13 midterm elections ngayong taon.

Partikular na ang magiging epekto ng halalan sa pag-host ng Pilipinas sa 30th SEA Games sa Nobyembre.

Inamin ni Vargas na humingi na sila ng tulong sa LGUs partikular sa mga probinsiya na pagdarausan ng mga event.
Kabilang dito ang Clark City kung saan magsisilbi itong saksi sa bulto ng mga sporting events na paglalabanan sa mahigit dalawang linggong biennial meet.

Bukod sa Clark at Metro Manila, may mga naka-kalendaryo ring events sa Bulacan, Tagaytay, Subic at Tarlac.
Ayon kay Vargas, sakaling magkaroon ng pagpapalit sa pamumuno sa national at local levels, may malaking epekto ito sa preparasyon ng bansa sa SEA Games.

Ito ay sa dahilang magpapalit ang pamunuan ng mga probinsya kaya magkakaroon ng pagkabalam sa preparasyon.
Katulong ng Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) ang Senado at Kongreso hanggang sa pamahalaang lokal sa preparasyon ng bansa sa palaro.

Katunayan, naglabas na ang Malacañang ng MO No. 56 na humihiling sa pribado at publikong sektor na ibigay ang kaukulang tulong sa POC upang masigurong magiging matagumpay ang ika-apat na pagkakataong magho-host ng Pilipinas sa Southeast Asian Games (SEA Games).

Dahil dito, tiwala si Vargas na magiging matagumpay ang SEA Games dahil na rin sa tulong ng national government.
Ang Clark City ay kasalukuyang under construction dahil magsisilbi itong host ng centerpiece events – athletics at aquatics, at sa 19 na iba pang sports.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy