Una sa Balita

MICP lumagpas sa target; kumolekta ng P13.8B buwis

0 145

NAABOT ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang collection target para sa Abril 2019.

Base sa preliminary data, nakakolekta ang Manila International Container Port (MICP) ng P13.8 bilyon nakaraang buwan mas mataas sa P13.6 bilyong target.

Dahil dito, nadagdagan ang pinakamalaking duties and taxes ng 25 porsiyento ang P53 billion national target para sa buwan ng Abril.

Ang mataas na koleksyon ay nakamit ani District Collector Atty. Erastus Sandino Austria dahil sa pagpupursige ng mga tauhan ng MICP at sa mga ipinatupad na polisiya, sistema at programa.

“Congratulations on the job well done. Finally, the systems we implemented have borne results. Without everybody’s participation, and cooperation, we wouldn’t have been able to accomplish this,” bahagi ng statement ni Austria.
Pinasalamatan din ng opisyal ang Port’s stakeholders, partners, International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI), North Harbor’s Port Operator sa pakikipagtulungan sa implementasyon ng mga polisiya at programa ng MICP.

Ang MICP ay kabilang sa 12 collection district na nakaabot ng target nakaraang buwan.

Ang iba pa ay ang Port of Limay, Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Port of Cagayan de Oro, Port of Subic, Port of Cebu, Port of Davao, Port of San Fernando La Union, Port of Iloilo, Port of Tacloban, Port of Zamboanga, at Port of Legaspi.

Samantala, kinumpirma ng BOC ang mataas na koleksyon sa buwan ng Abril.
Ang sobrang koleksyon ayon kay Commissioner Rey Leonardo Guerrero ay bunsod ng pinaigting na revenue collection effort ng kagawaran.

“The Bureau was expected to collect PHP51.604 billion in April, but because of our stringent monitoring and continuing efforts to enhance our re­venue collection capabilities, we were able to collect PHP53.33 billion which is higher than the target revenue,” dagdag ni Guerrero. (PNA)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy