Una sa Balita

Miciano, Quizon uno-dos sa Asian Youth Chess

By
0 2,527

NASILO ng Pinoy woodpushers John Marvin Miciano at Da­niel Quizon ang gold at silver medals sa katatapos na Asian Youth Chess Champion­ship na ginanap sa Lotus Pang Suan Kaew Hotel sa Chiang Mai, Thailand.

Kinahon ni 17-year-old Miciano ang hu­ling panalo matapos kalusin si Candidate Master Thilakarathne G M H ng Sri Lanka sa ninth at last round matapos ang 44 moves ng Sicilian defense Najdorf variation upang sikwatin ang titulo sa 18-Under division.

Nakopo ni Quizon ang silver nang pataubin si Le Minh Hoang ng Vietnam.

Nasungkit din ni Far Eastern University (FEU) senior high school student ang outright International Master (IM) title, tumapos ng 7.5 points mula sa six wins, three draws matapos ang nine rounds.

Nalikom ni Quizon ang 6.5 points matapos ilista ang limang panalo, tatlong draws at isang talo sa event na ipinatutupad ang nine rounds swiss system.